Mahal kong Bicol
Mahal kong Bicol
Ozawa’s Disciples
I-
Simula pagkabata ang kinamulatan
Kagandahan ng Timog-Silangan.
Mga Pagkaing maaanghang,
Kahit naiinitan,
tuloy ang pagnamnam
Refrain:
Mga pagdiriwang (Ibalong Festival)
Epikong kinagiliwan..
Chorus:
Ipapakita ko, sa buong mundo
Ako’y tatak Oragon, ako ay Bicolano.
Ipagsisigawan sa buong mundo,
Minamahal ko ang kulturang Bicolano..
II-
Mga pagkaing katakam-takam,
Tulad ng malasang pinangat
Bungang pili na inaasam,
Mapukpok man ang kamay,
tuloy ang kainan.
(Repeat Chorus)
Bridge:
Samahan mo ako,
Magandang tanawin ang naririto
Bulkan at paraiso,
Asahan mong ang saya dito